"MALIGAYA"
Malalaking ngiti na abot hanggang tenga
At tila walang bakas na lungkot sa ating mga mukha
Iyan tayo noon, noong tayo'y magkasama pa.
Aking sinta, maligaya akong ika'y aking nakilala.
Dahil noong tayo'y magkasama,
Pinaramdam mo saakin kung g'ano ako kahalaga.
Sa dinarami-rami ng ating pinagsamahan.
At pagsubok na ating nilampasan
Hindi ko inaasahang, tayo ay may magiging katapusan.
Maraming taon ang nagdaan,
Para limutin ang sakit at hinanakit na ating naranasan.
Ngayon, pareho na tayong maligaya.
Maligaya sa piling ng iba.
Comments
Post a Comment